Mga Pilipinong tripulante na sakay ng isang carrier sa Yemen – ligtas sa panibagong missile attack ng Houthi

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na ligtas ang 13 Filipino crew members na sakay ng isang carrier sa Yemen na muling nakaranas ng missile attack mula sa Houthi.

Maliban sa mga Pinoy, ligtas din ang Ukranian seaman na sakay ng vessel.

Read More:  DA says super El Niño won’t trigger food crisis as government prepares rice imports

Batay sa ulat, tumagilid ang barko matapos itong targetin ng Houthi.

Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng DMW sa shipping at manning agencies, kasaya ng pag-monitor din nito sa kalagayan at kondisyon ng mga Pilipinong seafarers.

Read More:  DA says super El Niño won’t trigger food crisis as government prepares rice imports

Sinisikap na ring tawagan ng ahensya ang pamilya ng naturang mga manlalayag para magbigay ng tulong na kailangan ng mga ito.

Sa huli, nagbabala ang DMW sa mga Filipino seafarers hinggil sa panganib na kahaharapin sakaling mapunta sa mga areas kung saan nag-o-operate ang mga Houthi rebels.