Navy, nirerespeto ang mungkahi ni Escudero sa pagkakaroon ng iisang spokesperson ang gobyerno sa usapin ng WPS

Nirerespeto ng Philippine Navy ang mungkahing pagkakaroon lamang ng iisang spokesperson ang gobyerno sa usapin ng West Philippine Sea.

Tugon ito nito Navy Spokesperson for the WPS Commodore Roy Vincent Trinidad, makaraang imungkahi ni Senate President Chiz Escudero.

Read More:  Sandiganbayan denies Revilla’s request to attend brother’s wake

Ito’y dahil sa kasalukuyan, marami umanong mga opisyal ang nagsasalita at nagbibigay ng reaksiyon ng mga isyung may kinalaman sa WPS.

Read More:  Senate court allows NBI agent to testify in VP Duterte impeachment trial

Naniniwala si Escudero na lahat ng alitan ay mareresolba sa pamamamagitan ng pag-uusap kaya hinimok nito ang pamahalaan at ang China na magkaroon ng dayalogo para mapahupa ang sitwasyon sa WPS.