Duterte, kinumpirmang dadalo sa pulong ng PDP-Laban na itinakda sa Sabado

Kinumpirma ng Palasyo na dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa pulong ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa July 17, kasabay ng pagkilala parin nito sa liderato ni Energy Secretary Alfonso Cusi.

Read More:  Sen. Padilla says constitutional loyalty is also ‘wanted’

Ito ay sa kabila na sinibak ni party president Senator Manny Pacquiao si Cusi at dalawang iba pang opisyal ng partido dahil sa umano’y paglabag sa konstitusyon ng PDP-Laban.

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, na batay kay Duterte, reresolbahin nila ang isyu sa PDP-Laban sa legal na pamamaraan.

Read More:  Dela Rosa renews Supreme Court plea to block arrest and ICC transfer

Nabatid na si Pacquiao at Senator Aquilino “Koko” Pimentel ay hindi dadalo sa scheduled PDP-Laban meeting sa July 17 na pangungunahan ni Cusi. // MHEL PACIA-TRINIDAD