Hinatulan ng Supreme Court (SC) ang dating employer ng kasambahay na si Bonita Baran ng hanggang 40 taon na pagkakakulong dahil sa serious illegal detention.
Sa resolusyon na may petsang February 10, nadiskubre ng SC Second Division na guilty si Reynold Marzan bilang pangunahing akusado sa kaso.
Binago ng SC ang desisyon ng Court of Appeals at Quezon City Regional Trial Court Branch 77, na nagsasabing si Marzan ay kasabwat lang ng kanyang asawa na si Anna Liza sa krimen na hinatulan lang ng walo hanggang 14 na pagkakakulong noong 2017.
Ayon sa Kataas-taasang Hukuman, si Reynold ay hindi “innocent bystander” sa kaso, dahil hindi lang umano nito alam ang paulit-ulit na pagkulong ni Anna Liza kay Bonita sa loob ng kwarto sa kanilang bahay, kundi maging siya ikinakandado ang main door ng bahay.
Kaugnay nito, ipinag-utos rin ng SC kay Marzan na bayaran si Baran ng P75,000 para sa bawat moral at exemplary damages maging ang civil indemnity.
Ang naturang halaga ay may interest na 6% per annum mula sa finality ng resolusyon hanggang sa ma-fully paid. // MHEL PACIA-TRINIDAD
