Pagtindig sa karapatan ng mga local artists, tiniyak

CAMARINES SUR — Tiniyak ng isang grupo ng local artists sa Partido Area na maninindigan sila para sa karapatan ng kapwa alagad ng sining at sisiguruhing hindi mababahiran ng politiko ang grupo ngayong papalapit na ang eleksyon.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Sonny Malate, ang presidente at isa mga bumuo ng Partido Artist Group (PAG),  layunin ng grupo na maging boses ng mga local artists partikular na ng mga nagsisimula pa lamang sa industriya, kasabay ng pagtitiyak sa mga karapatang dapat matamasa ng mga ito katulad na lamang ng tamang bayad, pagkakaroon ng platform o tanghalan, at pantay na oportunindad sa komunidad.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Sa ngayon nabuo na ang mga opisyal na mamamahala sa nasabing grupo, inaayos na rin ang mga legal documents na kinakailangan sa pagtataguyod ng organisasyon. Kaugnay nito, ngayong nalalapit na ang eleksyon, tiniyak rin ng opisyal na hindi sila mababahiran ng anumang kulay ng politika at uunahin ang kapakanan ng bawat artistang Partido’anon kasabay ng panawagan ng pagkakaisa at suporta sa bawat isa.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system