Kapistahan sa patron ni Nuestra Señora Dela Paz Y Buen Viaje!

Kapistahan sa ika-75th Diamond Jubillee na patron ni Nuestra Señora Dela Paz Y Buen Viaje sa kapilya ng Brgy. Santa Clara, Kalamansig, Sultan Kudarat.

Makulay at masaya na pagdiriwang ngayong Linngo sa naturang Barangay ang kapistahan sa patron.

Ang misa ay pinangunahan ni Bishop Angelito R. Lampon, OMI DD, batid niya ang saya sa mga residente, dagdag pa niya sa kanyang homilya,”Ang patrong Nuestra Señora Dela Paz Y Buen Viaje ay ang birheng nagpapatunay na ng kaligtasan sa mga manglalakbay”.

Read More:  Delayed bridge project leaves Cebu students, residents struggling

Ang naturang pagdiriwang ay inabot ng isang linggo na may iba’t-ibang patimpalak na isinagawa gaya ng purok beautification, mass street dancing, singing contest at iba pa.

Read More:  LTO-7 summons rider who spat on bus driver in Cebu

Inabangan at dinaluhan naman ang taunang fluvial procession kung saan ipinaparada ang mahal na berhin sa dagat. Samantala, pinaigting ang suguridad sa tulong ng coast guard, BFP, PNP at iba pa.