LTO – kinundena ang pag-ambush sa isa nitong tauhan sa QC

Nagpahayag ng pakikiramay ang Land Transportation Office (LTO) sa mga kaanak at naiwang pamilya ng isa nitong tauhan matapos itong barilin sa Quezon City kahapon.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Sa isang pahayag, kinondena ng LTO ang ginawang pamamaril kay Mercedita Gutierrez – na noo’y chief ng Registration Section ng LTO Central Office.

Ayon sa ahensya, tinitiyak nila sa pamilya ng biktima ang kanilang walang-kapagurang pakikipagtulungan sa Philippine National Police para sa kaso.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Babantayan din umano nito ang imbestigasyon sa insidente para mapapanagot ang lahat ng salarin sa pagpatay.