Dating PDEA agent Morales nakalaya na mula sa detention facility ng Senado

Kinumpirma ni Senate Sergeant-at-Arms Roberto Ancan na pinalaya na kagabi sa detention ng Senado sina dating Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) agent Jonathan Morales at ang dating empleyado ng National Police Comission (NAPOLCOM) na si Eric ‘Pikoy’ Santiago.

Ito ay matapos ang pagka-cite in contempt sa kanila nina Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, Chairperson, Senador Ronald Bato Dela Rosa at Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada sa nakaraang pagdinig ng PDEA leak dahil sa di umano’y pagsisinungaling.

Read More:  PH Embassy warns Filipinos against Myanmar job scams, reiterates deployment ban

Ayon kay Senate President Chiz Escudero, tumawag umano sa kanya si Estrada tungkol sa pagpapalaya sa mga ito.

Read More:  Sara Duterte vows never to resign as impeachment trial advances

Samantala, bago ang nasabing pagpapalaya ay nagkaroon ng pag-uusap sina Estrada at Morales sa loob ng detention facility.

Maliban pa roon, ibinahagi rin ni Escudero na nagkaroon siya ng pagkakataon na makausap ang mga ito bago sila mapalaya sa loob ng Senado habang siya ay nag-iinspeksyon sa mga opisina ng gusali.