Barangay Captain ng Buli, Muntinlupa City, patay matapos pagbabarilin

Tinutugis na ngayon ng kapulisan ang mga suspek sa pagpaslang sa kapitan ng Barangay Buli sa Muntinlupa City kagabi.

Batay sa report, pasado alas diyes kagabi nang patayin si Chairman Ronaldo Loresca ng dalawang lalaking suspek na sakay ng motorsiklo.

Nadala pa sa ospital si Loresca pero binawian din ito ng buhay.

Read More:  Claire Castro rejects apology calls, says remarks on teachers were misinterpreted

Samantala, kinondena ni Mayor Ruffy Biazon ang pagpatay sa kapitan.

Inutusan na ng alkalde ang Muntinlupa Operations Center na suriin ang CCTV footage.

Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng Muntinlupa Police para sa motibo sa pagpaslang at pagkakakilanlan ng mga suspek.

Read More:  Marcos says Philippines won’t allow territory used as launching pad for attacks on Taiwan

Ipinag-utos na rin ni Mayor Ruffy Biazon ang masusing imbestigasyon sa insidente.

Aniya, wala raw puwang ang karahasan sa kanilang Lungsod, at ‘di raw sila titigil hanggat ‘di nakakamit ang hustisya sa pagkamatay ng kapitan.