Mga paaralang magsasagawa ng moving-up o graduation exercises sa Legazpi City, kinakailangang magsulat sa LGU upang maiwasan ang paglabag sa batas-trapiko

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Legazpi City Task Force Kalinisan at Kaayusan na kinakailangang magsumite ng letter sa LGU ang mga paaralan o pamantasan na magsasagawa ng moving-up o graduation exercises upang maiwasan ang anumang traffic violations lalo’t patuloy ang pagsasagawa nila ng wheel clamping sa mga sasakyang nagi-illegal parking.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Kasunod ito ng mga naitatalang mabigat na daloy ng trapiko tuwing may graduation rites sa mga sasakyang naka-park sa labas ng mga paaralan na nasasakop rin ang bike lanes.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Task Force head Mark Andy Marbella, sinabi niya na hindi maaaring basta-bastang isara ang kalsada nang walang abiso mula sa kanila o sa LGU lalo na kapag may mga ganitong aktibidad.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Aniya, sa oras na magkaroon ng mabigat na daloy ng trapiko at malamang hindi naman nagpadala ng sulat ang isang paaralan, agad nila itong sisitahin.