BNFM Bicol-IPAPATUPAD na ang mas mahigpit na Border Control sa lalawigan ng Catanduanes dahil pa rin sa tumataas na bilang ng naitatalang African Swine Fever o ASF sa lalawigan ng Albay.
Ito ay alinsunod sa ipinalabas na Memorandum ng kanilang gobernador, na nag-uutos na agad na ipatupad ang istriktong monitoring lalo na’t magkaratig lamang ang dalawang probinsya.
Paalala naman ng opisyal na agad na isangguni ang mga taong magpupuslit o hindi susunod sa dirtektiba sa mga itinalagang ASF Task Force sa paglaban kontra ASF. ### KENNETH BERMIL
