Di umano’y mga magulang ni Bamban, Tarlac Mayor Guo, napag-alamang walang birth records

Binigyang-diin ni Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, Chairperson, Senadora Risa Hontiveros na bagamat hindi pa conclusive ang mga kasagutan ay malinaw namang may sapat na red flags sa katauhan ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Ito ay matapos lumitaw na maraming butas sa kanyang pagkatao, kabilang na nga rito ang kawalan ng birth record ng kanyang mga magulang.

Sa nasabing pagdinig, kinumpirma ni Guo na naging kasambahay ng kanyang tatay ang nanay niyang si Amelia Guo at kapatid din niya sina Shiela at Seimen sa kanyang tatay.

Read More:  NBI files ethics complaint against Kiko Barzaga

Ngunit matapos niya itong sabihin lumitaw na kasal ang mga ito at magkakaibang araw ang kasal ng kanilang magulang sa kani-kanilang birth record habang napag-alaman namang walang marriage record ang mga ito.

Maliban pa roon, ang mas kinaduda pa ng mga senador ay walang kopya ng birth record ang kanyang mga binanggit na magulang sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Alinsunod nito, kinwestyon ito agad ng mga senador at iminungkahi rin ni Senador Raffy Tulfo na ipatawag ang isa sa mga nag-issue ng birth record late registration ng alkalde.

Samantala, ipinunto naman ni Guo na kahapon lang niya nalaman na kriminal pala ang mga kasamahan niyang incorporators sa Baofu Land Development Inc..