Dinner ng mga senador sa Malacañang – ‘light’ and ‘casual’ lang

‘Purely social’ lang kung ilarawan ni bagong Senate President Chiz Escudero ang naging dinner sa Malacañang kagabi.

Sabi ni Escudero, naging kaswal lang ang hapunan, at wala namang napag-usapan hingigl sa mga priorty legislation ng administrasyon.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Aniya, nagkumustahan at nagkuwentuhan lang silang mga Senador, kasama si Pangulong Bongbong Marcos at si First Lady Liza Araneta-Marcos.

Samantala, ‘di dumalo si pa-dinner sa Malacañang si dating senate president Migz Zubiri.

Maliban sa mga unang mga Senador na kumpirmadong dumalo sa dinner na sumporta kay senador Escudero, pumunta rin ang iba pang sumuporta kay Zubiri na sina Senadora Loren Legarda at Senador Win Gatchalian.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Maaalalang nag-post si First Lady LAM ng retrato, pero kalaunan ay di-nelete din niya ito.