Gurong na-videohang pisikal at verbal na inaabuso ang kanyang mga estudyante, iniimbestigahan na ng DepEd

Mahigipit namang babanatayan ng Department of Education ang imbestigasyon sa isang public high school teacher sa bayan ng Lubao sa Pampanga na nakunan ng video na pisikal at verbal na inaabuso ang kanyang estudyante.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Ayon kay DepEd Undersecretary Michael Poa, bumuo na ang ang regional director sa Pampanga ng isang fact-finding team para imbestigahan ang maling pag-uugali ng guro noong nakaraang linggo.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Sa ngayon, inalis na ang guro sa kanyang tungkulin at ang kaso ay isinangguni sa DepEd Regional Office para sa masusing imbestigasyon.

Magsasagawa rin ang DepEd Division Office ng sarili nitong imbestigasyon.