Isang trainer plane, sumadsad malapit sa San Fernando Airport sa La Union

Sugatan ang dalawang indibidwal matapos bumagsak ang isang trainer plane malapit sa San Fernando Airport sa La Union.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP),
tumawag sa San Fernando Tower ang Cessna 172 aircraft at nagdeklara ng emergency ilang sandali matapos mag-take-off pasado alas otso ng umaga.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Agad namang rumesponde ang ahensya at Philippine Coast Guard kung saan narescue ang isang pasahero at piloto nito.

Read More:  Sara Duterte vows never to resign as impeachment trial advances

Dinala na ang dalawang biktima sa ospital na nagtamo ng minor injuries.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang nangyaring insidente.