Isang pulis na na-dismiss sa serbisyo, arestado dahil sa hindi pagbibigay ng sustento

Isang pulis na na-dismiss sa serbisyo ang inaresto ng mga tauhan ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group o IMEG matapos na ireklamo ng dati nitong kinakasama dahil sa hindi pagbibigay ng sustento sa kanilang naging anak.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Dinakip ang naarestong suspek na dating PO1 sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong paglabag sa Sec 5 A ng RA 9262 o ang violence against women and childrens act of 2004.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Kasalukuyang nakakulong na ang suspek sa Capas Municipal Police Station upang isailalim sa dokumentasyon para sa pagbabalik ng kaso sa lugar na pinangyarihan.