Lalaki, natagpuang palutang-lutang sa tabing-ilog sa Lucena City; Biktima, may mga saksak sa dibdib

Wala ng buhay at palutang-lutang sa ilog nang matagpuan ang isang lalaki sa Barangay Dalahican, Lucena City nitong Linggo, Mayo 19.

Ayon sa report, bandang alas-9:00 ng umaga nang matagpuan ang katawan ng biktimang si alyas “Edmon”, 44-anyos, na may mga saksak pa sa dibdib.

Read More:  Death toll rises to six in Zamboanga del Sur crash

Sa ngayon, isasailalim sa autopsy examination ang labi ng biktima upang matukoy ang totoong sanhi ng pagkamatay nito.

Read More:  17-year-old girl dies in drowning in Cebu as father raises foul-play concerns

Patuloy rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang suspek at ang motibo sa pamamaslang sa nasabing biktima.