Motor, sumalpok sa nakaparadang jeep sa Tayabas City; Rider, sugatan

Sugatan ang isang rider matapos sumalpok ang minamaneho nitong motor sa nakaparadang jeep sa Barangay Wakas, Tayabas City nitong Sabado, Mayo 18.

Read More:  Delivery rider dies in Cebu motorcycle-dump truck crash

Ayon sa police report, patungo noon sa direksyon ng Lucban, Quezon ang motor na minamaneho ni alyas “Mark”, 25-anyos, nang sumalpok ito sa likuran ng jeep.

Read More:  Two farmers die in sulif ritual over land dispute in Sarangani

Nagtamo ng mga injury sa katawan ang rider habang napinsala naman ang parehong sasakyan.

Sa ngayon, patuloy pa rin na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang nasabing aksidente.