BIR-RDO 64 tutungo sa mga LGU para magbigay ng briefing patungkol sa Ease of Paying Taxes Act

CAMARINES NORTE – Magbibigay ng briefing ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa iba’t-ibang Lokal na Pamahalaan sa Camarines Norte kaugnay sa Republic Act 11976 o ang Ease of Paying Taxes Act.

Batay sa inilabas na schedule ng ahensiya sa May 21 ay naka-schedule ang face-to-face briefing sa mga bayan ng Daet, Talisay, Vinzons, San Vicente, San Lorenzo Ruiz at Mercedes.

Read More:  Bacolod’s P6.1B loans frame dispute between political allies

Face-to-face din ang briefing sa Labo, Paracale at Jose Panganiban sa June 6 habang via zoom naman ang briefing sa Sta Elena, Capalonga at Basud.

Read More:  Bystanders scramble for cover as exchange of gunfire wounds 4 in Himamaylan City

Sa May 21 naman ay magkakaroon ng kaparehong briefing sa SM City Daet.

Mababatid na naging epektibo ang naturang batas Enero ng taong kasalukuyan.