Sarangani, Davao Occidental, niyanig ng 6.2 magnitude na lindol

Niyanig ng magnitude 6.2 lindol ang munisipalidad ng Sarangani sa Davao Occidental kaninang umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang lindol na unang iniulat ng PHIVOLCS na magnitude 6.0 ay naitala kaninang alas 8:43 ng umaga.

Read More:  NBI gets new leads on Bato Dela Rosa, continues search for Bantag

Ang epicenter nito ay naitala 368 km silangan ng Sarangani.

Tectonic ang origin nito at may lalim na 41 km.

Sinabi ng PHIVOLCS na walang inaasahang damage kasunod ng lindol pero inaasahang magkakaroon ng aftershocks.

Read More:  PAGASA warns of danger-level heat index in 16 areas

Samantala, sinundan naman ang lindol ng magnitude 5.4 quake kaninang alas 8:51 ng umaga.

Tectonic din ang origin nito at may lalim na 97 km.

Wala namang inaasahang damage pero posible rin ang aftershocks.