14 katao patay matapos mabagsakan ng malaking billboard sa India

Patay ang 14 katao habang marami ang sugatan matapos matamaan ng isang malaking billboard dulot ng malakas na ulan at hangin dala ng thunderstorm sa Mumbai City, India.

Read More:  BAYAN prepares a ‘hot’ welcome for Trump ahead of his expected Philippine visit

Ayon sa municipal corporation ng Mumbai, hindi bababa sa 70 katao ang dinala sa ospital na may mga pinsala kasunod ng aksidente at 31 ang nakalabas na.

Ang thunderstorm ay nagdulot ng pagtigil ng trapiko sa mga bahagi ng lungsod at naantala ang mga operasyon sa paliparan nito.

Read More:  Ebola death toll in Congo surpasses 5,000 amid widening outbreak

Ang Mumbai ay isang lungsod sa India nakilala bilang prone accident tuwing may mga kalamidad dahil madalas nagkakaroon dito ng mga malalaking pagbaha.