Tumama sa earth ang pinakamalakas na solar storm sa nakalipas na 2 dekada.
Dahil dito nagkaroon ng kamangha-manghang light shows sa kalangitan ng Tasmania hanggang Britain.
Sa kabila ng celestial lights shows, naapektuhan din ng solar storm ang satellites at power grids sa lugar.
Inabisuhan naman ng mga otoridad ang mga satelitte operators, airlines, at ang power grid na gumawa na ng precautionary steps para sa posibleng pagkawala ng kuryente dahil sa pagbabago sa magnetic field ng mundo.
Samantala, naging maingay naman ang mga tao sa social media, matapos i-post ang mga larawan nila ng aurora sa Northern Europe at Australasia.