Pag-isyu ng Philippine visa sa mga Chinese nationals, mas hihigpitan na ng DFA

Mas lalong hihigpitan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagbibigay ng visa sa mga Chinese Nationals simula ngayong linggo.

Ayon kay DFA Undersecretary Gary Domingo, ito’y kasunod ng pagdami ng mga Tsino na pinepeke ang kanilang mga dokumento, kabilang na ang mga pasaporte.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Upang maresolba ang isyu na ito, kinakailangan na magsumite ng mga Chinese nationals ng social insurance certificate, proof for financial capacity, employement certificate, at bank statementts.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Bagama’t ginawa ito habang may nagaganap na hidwaan ang Pilipinas at China sa West Philippine Sea, pinanindigan ni Domingo na ang pagbabago sa patakaran ng gobyerno ay hindii nauugnay sa national security.