Mukha ng mga nananalo sa lotto – dapat daw ipakita ayon kay Sen. Tulfo

Naniniwala si Senator Raffy Tulfo na panahon na para ipakita at i-‘advertise’ sa publiko ang mga lotto winners.

Sa isang panayam – sinabi ni Tulfo na kung transparency ang pag-uusapan – dapat ipakita ang mukha ng mga nanalo.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Ito aniya ay upang maipaalam sa mga tao na totoo ang mga nananalo at hindi gawa-gawa lamang.

Giit ng mambabatas, i-advertise na ang mga lotto winners para maalis na rin ang duda ng mga mamamayan.

Read More:  Marcos names Rodil Zalameda as new Supreme Court chief justice

Mariing sinabi nito na hanggat hindi ito nagagawa, hindi niya masisisi na naroroon pa rin ang pagdududa ng taumbayan.