BuCor chief Catapang – nabigla raw sa isyu ng strip searching sa Bilibid

Nagtataka raw ngayon si Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr. sa reklamong inihain ng ilang mga misis ng persons deprived of liberty (PDLs), at political prisoners kaugnay ang ‘strip searches.’

Ayon kay Catapang, ang isa sa mga nagreklamo na si Gloria Almonte ay 14 na beses nang pumirma ng waiver; habang 11 waivers naman ay napirmahan ng isang complainant na si Maricel.

Read More:  DILG seeks tighter social media access for children after South Cotabato school shooting

Tanong niya ngayon – bakit ngayon lang sila nagreklamo gayung ilang times silang nagsagawa ng conjugal visit.

Read More:  Teodoro calls China coast guard collision international law violation

Mababatid na noong Martes naghain ng reklamo ang mga asawa ng PDLs at political prisoners matapos umanong makaranas ng nakababahahalang ‘strip searches’ sa Maximum Security Compound ng NBP.