Alyansang Sara-Romualdez – posible pa rin

Bukas para sa diskusyon ang Lakas-Christian Muslim Democrats sakaling makipag-alyansa ang regional party ni Vice President Sara Duterte na Hugpong ng Pagbabago.

Sa panayam kay House Speaker Martin Romualdez, sinabi nitong kokonsultahin nila ang Partido Federal ng Pilipinas ukol sa posibilidad bagama’t wala pang nagaganap na usapan sa HNP.

Read More:  Malacañang denies Sara Duterte’s Laos travel authority; Ramon Tulfo apologizes

Lahat aniya ay posibleng mangyari maging ang pakikipag-alyansa ng PDP-Laban.

Kinumpirma rin ni Romualdez na may mga malalaking partido pang inaasahang makikipagsanib-puwersa sa Lakas-CMD.

Ang sigurado sa ngayon, mayroong ibabanderang full slate ang Lakas at PFP sa Senado para sa 2025 midterm elections gayundin sa local level.

Read More:  Dizon returns to DOTr as Lopez takes over DPWH

Dagdag pa ng Speaker, maraming ikokonsidera ang dalawang partido sa kung sinu-sino ang mapapabilang sa line-up at isa sa mga ito ay dapat sumusuporta sa economic Charter Change.