Bilang ng mga Pilipinong walang trabaho – umakyat sa 3.9%

Tumaas pa ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho nitong Marso.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) – umakyat sa 3.9% ang unemployment rate, ‘o katumbas ng 2million unemployed Filipinos.

Read More:  NBI gets new leads on Bato Dela Rosa, continues search for Bantag

Mas mataas ito sa 3.5% unemployment rate noong Pebrero; pero mas mababa naman sa 4.7% noong Marso ng nakaraang taon.

Read More:  Padilla urges supporters to stay calm ahead of November 6 DOJ hearing

Naitala namana ng employment rate, ‘o ‘yung bilang ng mga Pilipinong may trabaho sa 96.1%; ‘o katumbas ng 49.15million employed Filipinos.