College of consultors maghahalal ng Diocesan Administrator habang naghihintay ng bagong Obispo ng Daet

CAMARINES NORTE – Simula ngayong araw ay “sede vacante” na vacant seat ang Diocese of Daet kasabay ng pagtatalaga kay Most Rev. Rex Andrew Alarcon ngayong araw bilang bagong Arsobispo ng Caceres.

Sa pahayag ng Diocese of Daet, maiiwan sa kamay ng Diocesan Administrator na ihahalal ng College of Consultors ang pamamahala sa Diocese habang walang itinatalagang bagong Obispo .

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Ang College of Consultors ay  binubuo ng mga piling pari na siyang maghahalal ng Diocesan Administrator kung walang itatalagang Apostolic Administrator ang Santo Papa.

Inaahasang pagkatapos ng installation at canonical possession ni Archbishop Alarcon ay magpupulong ang College of Consultors para pag usapan ang magiging direksyon ng Diocese habang naghihintay ng itatalagang bagong Obispo.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Ayon naman kay Archbishop Alarcon, hangad niya na magkaroon agad ng bagong Obispo ang Daet at kaisa umano siya ng mga taga Camarines Norte sa pagdarasal para dito.