Inagurasyon sa kauna-unahang memorial site ng EJK victims, isinagawa sa Caloocan City

Binigyang-diin ni Senadora Risa Hontiveros na patuloy nilang paparangalan ang alaala ng bawat biktima ng karahasan at inhustiya.

Ito ang kanyang naging mensahe sa isinagawang inagurasyon ng kauna-unahang memorial site para sa mga extrajudicial killing victims sa La Loma Catholic Cemetery sa Caloocan City ngayong araw.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Anya, tulad lang ng mga ito ay balo na rin siya matapos maagang mawala ang kanyang asawang si Frank dahil sa sakit ng heart attack.

Kaugnay nito, ramdam at naitindihan umano niya ang nararamdaman ng bawat pamilyang naiwan ng kanilang mahal sa buhay dahil sa naging karumal-dumal na ‘war on drugs’ ni dating pangulong Rodrigo Duterte.

Read More:  Supreme Court budget ruling may figure in new Marcos impeachment bid

Alinsunod nito, tiniyak niyang hindi sila titigil sa kanyang komite na panagutin ang sanhi ng lahat ng ito.