Samahan ng doktor, ospital – iimbestigahan ang ‘padulas’ scheme ng pharma firms

Sisilipin na rin ng Committee on Ethics ng iba’t ibang grupo ng mga doktor at ospital ang umano’y multi-level marketing (MLM) scheme o yung unethical na pagrereseta ng mga doktor.

Kabilang sa mga ito ang komite mula sa Philippine Medical Association, Private Hospitals Association of the Philippines, at Philippine College of Hospital Administrator.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Pagtitiyak ni Dr. Bu Castro ng Philippine Medical Association, hindi nila kukunsintehin ang nasabing gawain, at makakaasa rin daw sa kanila ng patas na imbestigasyon.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Mababatid na una nang sinabi ni Sen. raffy Tulfo na mayroon siyang listahan ng mga doktor na dawit sa MLM scheme.

Dito aniya makikita ang nasa higit 100 mga pangalan ng mga doktor.