RACE isinagawa ng SSS sa Olongapo City

Nagsagawa ng Run After Contribution Evaders o RACE ang Social Security System sa Olongapo City.

Inisyuhan ng letter order ang pitong lokal na kompanya sa lungsod sa isinagawang pagbisita ng mga kawani.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Ang RACE ay ginagawa para sa mga kompanyang hindi nagbabayad ng obligasyon sa SSS para sa kanilang mga empleyado.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Binigyan ang mga ito ng pagkakataon na ayusin ang kanilang mga obligasyon at kung sakali na di mag-comply ay papatawan ng karampatang parusa.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO