AFP: Chinese research vessel sa East Catanduanes, nagbaba ng ‘unidentified equipment’

Nagbaba raw ng isang ‘unidentified equipment’ ang isang Chinese research vessel na na-monitor sa Silangan ng Catanduanes.

Ayon kay Philippine Navy spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Roy Vincent Trinidad, na-monitor nila na nagbaba ng “unidentified equipment” ang Chinese research vessel na “Shen Kou”, na posibleng gamit sa maritime research.

Inangat umano ang equipment at binaba mula sa barko pero hindi naman ibinagsak sa dagat.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Dahil dito nakikipag-ugnayan na ang AFP sa PCG para malaman kung ang posibleng banta na ginawa ng Chinese research vessel.
#

CHINESE VESSELS SA AYUNGIN

Tatlong Chinese research vessels ang na-monitor ng Philippjne Navy sa bisinidad ng Ayungin shoal.

Sa pulong balitaan sa Kampo Aguinaldo, sinabi ni Philippine Navy Spokesperon Commodore Roy Vincent Trinidad, na namonitor ang mga research vessels kahapon , April 29.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Gayunman, wala namang mga aktibidad na ginagawa ang 3 barko ng China sa lugar.

Pinaninindigan kasi umano ng China na hindi sila takot sa kabila ng matibay na alyansa ng Pilipinas sa Estados Unidos.

Kaugnay nito, sinabi ni Trinidad na patuloy nilang imo-monitor ang galaw ng 3 barko sa Ayungin pero base sa report ay civilian research vessel ito.
#