PNP, hindi kumbinsido sa ulat ng isang human rights organization na nagpatuloy ang EJK noong 2023

Hindi kumbinsido ang Philippine National Police sa sinasabi ng Amnesty International na nagpapatuloy ang extra judicial killings noong 2023.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, hindi nila alam kung saan nakuha ng human rights organization ang pagkakaroon umano ng mahigit animnaraang kaso ng pagpatay na may kaugnayan sa war on drugs.

Read More:  Senators seek review of impeachment threshold for VP Sara Duterte

Malayong-malayo aniya ito sa mga numero ng PNP.

Binigyan-diin din ng opisyal na kailanman ay walang naging direktiba ang PNP na pumatay.

Kapag sinabi aniyang extra judicial killing , state-sponsored o gawa ito ng mga otoridad.

Read More:  VP Sara Duterte posts bail after grave threats arrest warrant

Aniya, hindi ito ang tinatahak na direksyon ng Administrasyong Marcos.

Iginiit ni Fajardo na nais ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay whole of nation approach kung saan maging ang demand reduction ng iligal na droga ay dapat tutukan.