Mga pugante sa likod ng illegal POGO, marami nang nasuhol na matataas na opisyal – senador

Binigyang-diin ni Senador Win Gatchalian na paulit-ulit na lang ang krimen na nanggagaling sa POGO.

Sa panayam ng Brigada News FM kay Gatchalian, sinabi nitong pangalawang beses nang na-raid ang establisyimento na pinuntahan nila kamakailan sa Bamban, Tarlac, at parehong-pareho lang din ang natuklasan sa isinagawang mga raid dito.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Paliwanag ng mambabatas, marami nang na-raid na POGO hubs sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon, at dito napag-alaman na mga pugante ang nasa likod ng operasyon ng mga ito.

Pagdidiin pa ng senador – hindi biro ang mga taong nasa likod ng POGO operations dahil talagang mapanganib ang mga ito.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Sa huli, pinangambahan ni Gatchalian na ang mga pugante sa likod ng POGO ay magaling manuhol.

Ibig sabihin umano nito – posibleng marami nang nasusuhol ang nasabing mga pugante kabilang na ang matatas na opisyal mula sa mga enforcement agencies.