Senador, iginiit na hindi anti-Marcos si dating Pangulong Duterte

Senador, iginiit na hindi anti-Marcos si dating Pang. Duterte

Nilinaw ni Senador Robin Padilla na hindi anti-Marcos ang kanyang party-mate na si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kabila ng mga napaulat na mga tirada sa pagitan ng dalawang opisyal.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Ayon kay Padilla, ayaw nang makipag-away ni Duterte, at gusto lang nitong maging maayos sila ni Pangulong Marcos.

Binigyang-diin din aniya ng dating pangulo na nakasuporta at naniniwala ito na si Pang. Marcos ay hindi dawit sa katiwalian – bagay na pinaninindigan din umano ng PDP.

Read More:  Supreme Court budget ruling may figure in new Marcos impeachment bid

Mababatid na kamakailan ay sinabi ni Pang, Marcos na komplikado na ang relasyon nito sa mga Duterte.