State of calamity dahil sa El Niño, hindi pa umano nararapat ideklara sa ilang bahagi ng Bicol

LEGAZPI CITY – Hindi pa umano nararapat na magdeklara ng state of calamity dahil sa El Niño sa ilang bahagi ng Bicol Region dahil mayroong kategoyra na tinitingnan dito ang PAGASA.

Ayon kay Florentino Ubalde Jr, Center Chief ng Department of Agriculture (DA) Bicol, magdedepende pa rin sa Local Government Units (LGUs) kung kailangan nilang magdeklara ng state of calamity sa kanilang lugar kung apektado na pagsasaka.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

May mga lugar sa rehiyon na apektado na rin umano dahil sa dry season, kung saan kinabibilangan ito ng Albay, Camarines Sur, Sorsogon at Masbate.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Sinabi pa nito, base kasi sa PAGASA kapag mahigit sa anim na buwan nang nakakaranas ng tag-init o drought ay maaari nang isailalim ang buong rehiyon sa state of calamity.