Kampo ni ex-Rep. Teves – umaasang mapagbibigyan sila ng political asylum

Umaasa ang abogado ni dating Cong. Teves na si Atty. Ferdinand Topacio na papaboran ng Timor-Leste ang political asylum o refugee status sa naturang bansa.

Ito ay kasabay ng pagsusulong ng Pilipinas sa deportation ng dating mambabatas.

Read More:  Supreme Court budget ruling may figure in new Marcos impeachment bid

Giit ni Topacio, hindi nalilitis si Teves sa normal na proseso.

Anng pag-uusig daw kasi sa kanyang kliyente ay may end view na pabagsakin ito.

Read More:  Marcos tells Filipinos “don’t panic” as peso hits record-low ₱64.17 against dollar

Mababatid na kasalukuyang nasa kostudiya ng Timor-Leste police ang ex-congressman matapos itong maaresto ng mga otoridad habang naglalaro ng golf.