Mga drayber na hindi rehistrado ang sasakyan, pinaalalahanan

Nagpaalala ang pamunuan ng Land Transportation Office (LTO) Alicia District sa lahat ng mga motorista na hindi pa nagpapa-rehistro ng kanilang mga sasakyan.

Inilatag din ni German Olaño, ang assistant officer-in-charge ng LTO Alicia District ang mga violation at multa sa mga lalabag.

Read More:  Laguna operation nets wanted NPA leader, Fil-Am woman

Para sa mga nagmamaneho ng hindi rehistradong sasakyan o motor, ang karampatang multa rito ay P10,000; nasa P5,000 naman ang multa sa mga mahuhuling motor na mayroong depektibo, at mga unauthorized accessories.

Read More:  ₱676.6 million worth of illegal drugs destroyed in Cebu City

Limang libong piso rin ang multa sa mga sasakyan na walang plaka.

Maaari ring umabot sa P10,000 at pagkumpiska ng lisensiya ang multa at parusa kapag nahuling walang suot na helmet sa ikaapat na pagkakataon.