Mayorya ng mga Pilipino – ‘urgent national concern’ pa rin ang pagkontrol sa inflation

Presyo pa rin ng bilihin ang pangunahing concern ng mga Pilipino.

Lumabas sa Tugon ng Masa Quarter 4 2023 survey ng OCTA Research na nanatili pa rin ang pagkontrol sa pagtaas sa presyo ng mga bilihin ang ‘top urgent national concern’ ng mayorya ng mga Pilipino.

Read More:  VP Sara: government should prioritize needs of ordinary Filipinos amid political noise

Nakakuha ito ng 66%; at sinundan ng access to affordable food sa 44%.

44% din ang naniniwalang ang pagtaas sa sahod ang isa sa kanialng concern; 33% sa paglikha ng trabaho; at 30% sa paglaban sa kahirapan.

Read More:  DMW chief to visit Kuwait amid Middle East tensions

Isinagawa ang survey noong March 11 hanggang March 14, sa 1,200 respondents.