DFA – kinukumpirma ang ulat na may 2 Pinoy na namatay sa pagbaha sa Dubai

Bineberipika pa ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang ulat hinggil sa pagkakasawi ng 2 Pilipino sa malawakang pagbaha sa Dubai matapos makuryente sa tubig.

Read More:  P1.36 billion shabu shipment from Laos seized at Manila port

Ayon kay DFA Undersecretary Eduardo de Vega, umaasa silang hindi totoo ang balita na kanilang natanggap.

Sakaling tunay man daw ito, ire-repatriate nila ang mga labi ng Pinoy.

Read More:  NBI gets new leads on Bato Dela Rosa, continues search for Bantag

Samantala, nasa maayos na kalagayan ang ibang Pilipino sa lugar, at pinayuhan na sila ng Consulate na sumunod sa mga ipatutupad na alituntunin ng lokal na pamahalaan.