MDT, agad na ipapapatupad sa oras na may namatay na Pilipino sa West Philippine Sea

Agad na ipapatupad ang Mutual Defense Treaty (MDT) sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos sa oras na may namatay na Filipino serviceman sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Pangulong Bongbong Marcos, mahusay na ipinaliwanag ito ni US Defense Secretary Lloyd Austin sa kanilang trilateral meeting kasama ang Amerika at Japan sa Washington DC.

Read More:  SC upholds five-year term for barangay and SK officials

Inihayag ito ng pangulo nang tanungin kung kailan gagamitin ang MDT sa gitna ng mga pananalakay ng China laban sa mga Pilipino sa WPS kamakailan.

Read More:  PAGASA warns of danger-level heat index in 16 areas

Nagpulong noong nakaraang linggo ang mga nangungunang diplomat at opisyal ng Pilipinas at Amerika upang talakayin ang MDT, upang hadlangan ang pagdami ng mga Tsino sa South China Sea.