4 na mga Pilipino kasama sa barkong hinarang ng Iran

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na ligtas ang ang apat na Pilipinong sakay ng MSC Aries, na sinalakay ng Iran na habang binabagtas ang Strait of Hormuz, malapit sa Gulf of Oman.

Ayon kay DMW officer-in-charge Hans Cacdac, nakaangkla ang barko sa Port of Iran at nananatiling safe and sound ang mga tripulante dahil hindi sila bumababa ng barko.

Read More:  Gatchalian pushes ban on officials’ relatives in government contracts

Bagama’t nasamsam ang barko, wala silang naiulat na isyu ng harassment laban sa mga Pilipino

Saad pa ni Cacda na nakikipag-ugnayan sila sa pamilya ng apat na Pilipino at tiniyak sa kanila ang buong suporta ng gobyerno.

Read More:  Authorities seize ₱99.4 million worth of ketamine in two shipments from Switzerland and Amsterdam

Bukod pa rito, kasama ng DMW ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa usaping ito, lalo na’t hindi ito ang unang pagkakataon na may nasalakay na barko sa Straits of Hormuz.