Higit 20K na mga tsuper at operator ng Manibela sa NCR – lalahok sa tigil-pasada

Tinatayang nasa 25K ang bilang ng mga tsuper at operators na lalahok sa tigil-pasada ng ilang transport groups ngayong araw – ayon kay Manibela Chairman Mar Valbuena.

Sinabi nitong bukod pa raw ang nasabing bilang sa kasama nilang PISTON.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Ayon kay Valbuena, ang kanilang pagtitipon ay layong ipahayag sa Gobyerno ang pagkadismaya na tatanggalan umano sila ng hanapbuhay pagkatapos ng April 30.

Paglilinaw nito, hindi naman sila humingi ng extension ng consolidation.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Nais lamang aniya nilang makinig at maunawaan sila ng pamahalaan sa umano’y perwisyong idinulot sa kanila.

Partikular na raw ang kanilang pag-modernize na walang pang tulong sa Gobyerno at sariling inisyatibo ang kanilang ginawa.