Pilipinong Olympians, dadaan sa training camp ng POC bago ang Olympics

Mag o-organisa ang Philippine Olympic Committee (POC) ng training camp para sa lahat ng Filipino Olympians sa French city of Metz, isang buwan bago ang 2024 Paris Olympics.

Read More:  Jordan Clarkson hopes to return to Gilas Pilipinas for FIBA World Cup

Gaganapin ang kampo sa Hunyo 22 hanggang Hulyo 22 sa Metz, ang prefecture ng Moselle department, na matatagpuan isang oras at 20 minuto ang layo mula sa Paris.

Ayon sa POC, inaasahan nilang makatutulong ito sa mga atleta sa pag-acclimate bago lumahok sa mga kompetisyon.

Read More:  Pickleball world no. 1 Anna Leigh Waters to visit Philippines in October

Saad naman ni POC president Abraham ‘Bambol’ Tolentino, ito ang unang pagkakataon na gagawa sila ng training camp, na kabibilangan ng gyms, sports labs, medical facilities, at kitchens.