Mga paaralan na nagkansela ng face-to-face classes, higit 7,000 na

Umabot na sa mahigit 7,000 mga paaralan sa buong bansa ang nagsuspinde ng kanilang face-to-face classes dahil sa matinding init.

Ayon sa Department of Education, kabuoang 7,080 na mula sa 47,678 na mga paaralan nationwide ang nag-anunsyo ng in-face classes, at pansamantalang nag-shift muna sa alternative delivery modes.

Read More:  Authorities seize ₱99.4 million worth of ketamine in two shipments from Switzerland and Amsterdam

Mula sa nasabing bilang, 1,903 na paaralan ang mula sa Central Luzon, 870 ang sa Central Visayas, at 862 naman ang mula sa Western Visayas.

Mabbatid na ngayong araw, sinabi ng PAGASA na magkakaroon ng mapanganib na lebel ng heat index sa ilang bahagi ng bansa.

Read More:  PPA prepares for expected surge in travelers during five-day ASEAN Summit holiday

Kabilang na rito ang Dagupan City, Pangasinan na may 44°C; Bacnotan, La Union na may 43°C; at Puerto Princesa City, Palawan na may 42°C.