ADM ng klase sa hapon sa Olongapo pinag-usapan na ng SDO

Nagpulong kahapon ang Schools Division Office ng Olongapo City tungkol sa magiging pasok sa eskwela ng mga mag-aaral.

Ito ay dahil na rin sa labis na init ng panahon na nararanasan ngayon sa iba’t ibang panig ng bansa.

Read More:  RoRo vessel runs aground in Occidental Mindoro; passengers and crew rescued

Ayon kay ASDS William Fallorin, ipapatupad muna ang Alternative Delivery Mode kung saan walang face-to-face classes sa hapon ang mga estudyante maliban na lamang kung air conditioned ang kanilang mga classroom.

Read More:  Unidentified woman found dead inside refrigerator in Rizal

Sa umaga ay papasok ang mga ito sa eskwelahan at sa hapon habang nasa bahay ay gagawin ng mga ito ang mga gawaing ibibigay ng mga guro.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO