Legazpi City Tourism Office, tiniyak ang kanilang presensya sa pagdagsa ng mga turista ngayong Semana Santa

LEGAZPI CITY – Nakahanda ang Legazpi City Tourism Office para sa anumang mga kakailanganin sa pag-obserba sa Semana Santa.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay City Tourism Officer Christina Agapita Pacres, sinabi niya, kaugnay nito, nakapag-identify na rin sila ng mga lugar na posibleng dagsain lalo na pagsapit ng Huwebes Santo hanggang Linggo ng Pagkabuhay.

Read More:  Indigenous farmer saves Philippine Eagle from 30 monkeys in Bukidnon

Ayon kay Pacres, may mga malls na ring paglalagyan nila tourists information desks.

Tiniyak niya ang presensya ng kanilang mga tauhan magmula Huwebes Santo hanggang Linggo ng Pagkabuhay upang magbigay asistensya sa mga dadagsang turista o mga bisita sa lungsod.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Halimbawa umano sa mga hotel, maaasahan ang kanilang tauhan sa mga impormasyong may kinalaman sa mga schedule ng flights at iba pa.

Samantala, umaasa naman si Pacres na walang maitatalang mga untoward incident ngayong Semana Santa.