Naga City General Hospital mananatiling bukas ngayong Semana Santa sa mga pasyenteng magpapagamot at magpapa confine

NAGA CITYMananatiling bukas pagdating sa pagbibigay serbisyo medikal ang Naga City General Hospital ngayong Semana Santa,ito ay para patuloy ding tanggapin ang mga pasyente para gamutin o para i-confine.

Kinumpirma ito ni City Mayor Son Legacion bilang pagtiyak sa publiko na walang mababago sa daily operation ng ospital,ang mga medical personnel ay regular ding magta-trabaho lalo na iyong nasa emergency at response unit,para din sa mga biglaang pangyayari o aksidente.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil
Read More:  Habagat batters Davao Region: 909 families affected, four dead, five missing

Sa flag raising ceremony ngayong araw,pinasalamatan din ng alkalde ang mga personahe ng ospital dahil na rin sa maganda nilang performance,na ayon sa kanya ay halos walang nakakarating na reklamo kung ikokompara noong nasa Barangay Penafrancia pa lamang ang ospital.