DOH, nagdeklara ng ‘Code White Alert’ ngayong Semana Santa

Isasailalim ng Department of Health (DOH) sa Code White Alert ang lahat ng ospital sa bansa simula bukas, March 24 hanggang March 31.

Ito ay bilang tugon sa posibleng emergency sa panahon ng Semana Santa.

Read More:  Garin rejects claims linking saliva, runny nose to lying

Sa mga panahong ito ang mga tukoy na medical personnel at staff ay naka standby para sa agarang pagresponde at paggamot sa mga darating na pasyentre sa mga ospital.

Read More:  Malacañang distances itself from US campaign against ICC

Ang Code White Alert ay idinedeklara tuwing may national event, holiday, at mga pagdiriwang na may posibilidad na magkaroon ng malaking bilang ng masasaktan.