Lalaki, sugatan matapos saksakin ng kainuman sa Padre Burgos, Quezon

Sugatan ang isang lalaki nang saksakin ito ng kanyang kainuman sa Barangay Danlagan, Padre Burgos, Quezon nitong Linggo, Marso 17.

Ayon sa report, nag-iinuman umano noon ang suspek na si alyas “Rene” at ang biktima nang maghamon ng suntukan ang biktima.

Read More:  Army soldier, wife killed after Bacolod family dispute

Doon na sinaksak ng suspek ang biktima ng balisong sa tagiliran na agad naman naisugod sa pagamutan.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Sa panayam ng Brigada News FM Lucena kay PCPT Harris Hemor, Acting Chief of Police ng Padre Burgos Municipal Police Station, kasalukuyan ng nagpapagaling ang biktima habang nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek.